Archive for August, 2011

Ang talento ay nagpapanalo ng mga laro. Ngunit, ang tiyaga at pagtulungan lamang ang magpapakampeon sa iyo. Ito ay isang sabihan ng aking idol – si Michael Jordan. Alam ninyo, ang kahit anong talento ay walang nadudulot kapag ang tao ay isang tamad. Lahat ng bagay na hinihiling natin ay kailangan ipagtrabahuhan. Ganyan talaga ang buhay.

Sa totoo lang, hindi ako ipinanganak na magaling magbasketbol. Noong nasa mababang paaralan pa ako, araw-araw akong naglalaro ng basketbol kasama ng aking kaibigan. Kami’y laging naglalaro tuwing pagtatapos ng klase at nakikipaghamon sa ibang grupo.

Ito nga lang – lagi rin kami natatalo. Bihirang bihira lang kami nananalo. Alam mo kung bakit? Hindi ito dahil hindi kami magaling, lagi nga kami nakakapag-tres sa practice eh. Ito ay dahil makasarili kaming lahat. Kung kanino ang bola, siya ang susugod; siya ang tatapon. Siya rin ang hindi makakatama.

Alam niyo kasi, hindi kami pumapasa ng bola. Hindi ako sigurado kung bakit sa totoo lang, pero sa tingin ko, ito ay dahil makasarili kami sa sinasabing bragging rights. Sanay kami sa pagyayabang ng ibang taong nagpapadala ng kanilang grupo sa pagpapanalo. Ngunit ganoon pa man, ang basketbol ay isang pangkatang laro kahit ano ang sabihin mo. Wala namang pangkat na isang manlalaro lang, di ba?

Patuloy sa kuwento. Lagi talaga kaming natatalo, at noong ubod ng inis na kami sa dami ng larong natalo, nagsalita ang kagrupo namin. Sabi niya, hindi niya maintindihan bakit ang bwakaw namin. Bakit nga ba hindi na lang kami magtulungan? Kami ay isang team, panalo man o talo. Kaya bakit hindi na lang namin pagsamahan ang pagpanalo, isama ang saya, at maglaro bilang isa? Oo nga naman, sabi ng aking ibang kaibigan. Nakipagsang-ayon kami sa sinasabi niya – at mula noon, naintindihan na namin ang aming pagkakamali.

Kaunti-unti, binawasan na namin ang aming ensayo sa indibidwal, at dinamihan ang mga ensayong nagpapalakas ng teamwork. Pero sasabihin ko sa iyo, mas madali itong sabihin kaysa sa gawin mismo. Kung sa tingin mo na napaka-simple lang nito, napakalaki ng pagkakamali mo. Para sa maayos na perspektibo, isipin mo na mayroon limang tao sa isang kotse, at lima rin ang nakahawak steering wheel. May kalsadang papunta sa kaliwa, at mayroon rin sa kanan. Bawal rin kayo makipag-usap sa isa’t isa. Para sa marami sa atin, bungguan ang mangyayari diyan.

Halos ganoon rin ang ensayo namin. Mahirap makuha ang galing na hinahanap namin sa isa’t isa. Minsan rin, nagkakamali ang isa – magkakamali ang lahat. Dahil dito, krusyal na sabay sabay ang bawa’t aksyon at galaw – maglaro bilang isa. Malaking tiyaga at oras ang binigay namin para sa ito. Araw-araw, linggo-linggo, buwan-buwan ang pagpapatuloy ng aming mga ensayo.

Pagkatapos ng matagal na oras, napansin namin na bigla na lang kami nananalo ng mga laro. Gumagaling ang bawa’t isa sa amin! Nalaman na rin namin na sumisikat na kami bilang magaling na taga-basketbol! Ngunit, hindi kami titigil diyan, patuloy pa kami sa ensayo dahil kailangan pa namin gumaling ng hangga’t kaya namin, at diyan nagsimula ang aking paglalakbay patungo sa pagiging isang totoong manlalaro ng basketbol.

Mga Imahe galing sa:

http://www.soleredemption.com/pics/2006/04/jordan-michael-3.jpg 

Pasyente (Filipino Blog)

Posted: August 7, 2011 in Uncategorized

Narinig niyo na ba ang sabihang, “The early bird gets the worm”, o kaya “Time is Gold”? Ako ang unang magsasabi sa inyo na hindi lagi tama ang mga ito.

Noong nasa Grade 7 pa ako, meron kami proyektong grupo. Inisip namin na tapusin ito kaagad para walang ‘hassle’ pagdating ng mga deadlines. Ngunit, ang nangyari ay hindi naasahan. Sa sobrang pokus namin na bilisan ng paggawa nito, halos “rushed” na ang dating nito. Masyado na ring late para namin palitan ang kontento nito. Dahil dito, napilitan kaming pumasa ng produktong mahina ang quality.

Pagbalik ng aming mga grades, pasang awa lamang ang nakuha namin. Sayang, sana minanage namin ang aming paggamit ng oras, at nakakuha sana kami ng mas mataas na marka.

(more…)

Ang Anterior ay isang banda na pinakikinggan ko itong mga nakaraang araw. Medyo instrumental ang kanilang mga tunog, ngunit masarap pakinggan ang mabigat na bagsak ng mga kanta nila. Mahilig ako sa mga ganitong kanta dahil kahit marami ang nagsasabi na masakit sa tenga, naiinterestado ako sa mga ito.

Isang kantang nagustuhan ko sa kanila ay ang kantang ‘Dead Divine’. Sa una, sobrang lakas ng mga riffs nito. Ang mga drum, gitara at bass ay sabay-sabay at tuloy-tuloy, ngunit may melodad. Napaka-angas pakinggan. Pagkatapos may guitar solo pa sa gitna. Napakaganda nito dahil ito ay may dalang emosyon kahit sa bilis ng paglalaro ng instrumento. Hindi mapapakita ng mga salita lamang ang ganda nito. Pakinggan mo na lang 🙂

^Iyan ang kanta na pinag-uusapan ko. 

Sa tingin ko, may bagong paboritong banda na ata ako 🙂

Masarap ang aking weekend dahil ako ay napakahinga sa wakas pagkatapos ng isang linggo sa pag-aaral. Wala akong ginawa kung di mag facebook, DotA, HoN, at mag gitara. Gusto ko kasi maka-relax sa araw na ito. Hindi ko rin prinoblema ang aking mga takdang-aralin dahil sa ginawa ko ito noong biyernes pa lamang. Masarap ang pakiramdam noong araw na ito dahil maulan ang panahon. Nakakalmado kasi ako kapag ang langit ay medyo madilim. 🙂

May bagong banda nga pala akong napakinggan. Medyo maangas ang tunog nito 😀