Modernong Rizal

Posted: July 22, 2012 in Uncategorized

 

 

Image

Si Jose Rizal, ang ating pambansang bayani, ay karaniwang kinikilala bilang isang magaling na manggagamot at manunulat. Nang ipag-sama ang kaniyang katalinuhan sa ibang klaseng husay na pagsusulat, nakagawa siya ng maraming iba’t ibang obra maestra na kinikilala ng mga tao – gaya nang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na tinuturo sa bawa’t paaralan sa Pilipinas. Pero una, dapat natin aalahanin na ang mga akda niya ay kapansin-pansin hindi dahil sa kanilang literal na kuwento, ngunit dahil sa kanilang ibig-sabihin at mensahe. Dahil sa mga pag-aabuso at pagkaapi noong panahon ng mga Kastila, napilitan si Rizal na buksan ang mata ng mga Pilipino. Walang duda na siya ay isang tao na makatwiran; marunong mag-isip bago gumawa ng isang bagay. Ibinigay niya ang kaniyang mga isip sa isang hindi malupit na paraan. Hindi man nakikipag-away, ipinakita pa rin niya ang iba’t ibang mensahe sa Pilipino.  Maraming sa mga mensaheng at temang mga ito ay unibersal at puwede pang gamitin kahit sa kasulukuyang lipunan. 

Makikita natin na marami sa kaniyang mga mensahe ay karaniwang resulta ng pagnanais niyang tulungan ang mga Pilipino sa ilalim ng mga Kastila. Gayon pa man, ang bawa’t libro niya ay may ibang mensahe na binibigyan ng pokus. Halimbawa, ang kaunahang ideya ng El Filibusterismo ay ang paggamit ng mapayapang paraan sa ating mga layunin. Sa maikling salita, hindi sagot sa problema ang pagiging matindi o malupit. Mas lalo lang lumalala ang problema sa ganitong paraan. Kahit sa modernong panlipunan ay makikita natin ito. May dahilan kung bakit ang EDSA o “People’s Power” ay matagumpay. Dahil sa kanilang paraan ng protesta, nagkaroon sila ng maraming suporta at sa huli, nakuha nila ang kapayapaang hinahanga nila. Isa pang halimbawa sa halimbawa na nangyayari hanggang ngayon ay ang gera sa Afghahistan at Iraq. Pinipilit ng Amerika na magkaroon ng gera embes na makipag-usap sa madaling paraan. Dahil dito, maraming sundalo at inosenteng pamilya ang nadadamay.

Bukod sa El Filibusterismo, ang isa pang napasikat na nobela ay ang Noli Me Tangere. Ang mensahe ng ito ay higit na may sinasabi tungkol sa mga paksang politiko. Ito ay makikita sa maraming elemento ng kuwento rito. Marami sa mga katauhan rito ay representasyon o simbolismo ng mga nangyayari sa dating panahon. Ang sitwasyon din ng Pilipinas ay makikta natin galing sa mata ng isang  karaniwang Pilipino roon. Halimbawa, sa mga unang bahagi ng kuwento, makikilala natin si Padre Damasong nagsisimbolo sa Simbahan. Sa isang taong ito, makikita rin natin ang pagkaugali ng Simbahan patungo sa mga Pilipino – ang ugaling pabalatkayo. Nagtuturo sila ng mga “tamang” gawin dahil ito ay sinabi ng Diyos, ngunit siya mismo ang gumagawa ng kabaliktaran. Gusto nila, sila lagi ang tama at ang kaaway nila, o mga Indiyo, ang mga mali. Ipinakita rin nito na kapag ang Simbahan o kahit ano pa mang relihiyon ay masiyado binibigyan ng kapangyarihan, minsan ay nadadamay ang mga desisyon ng estado o pahamalaan. Bukod rin sa mga Kastila, ipinapakita rin ni Rizal sa nobela na pati ang Pilipino ay kailangang ibahin ang kanilang ugali. Hinihingi ni Rizal dito na tumaas ang mga pagtingin ng mga Pilipino sa kanilang mga sarili, at sa kanilang bansa. Tinuturo ni Rizal ang halaga ng nasyonalismo at pagkakapantay-pantay sa mga Kastila. Medyo halata naman na hanggang ngayon, ay importante ang nasyonalismo sa atin. Kitang-kita natin ang pagkakaisa ng mga Pilipino sa mga pangyayaring kinakailangan nito. Alam naman nating lahat ang pagkatuwa ng Pilipinas bawa’t panalo ni Manny Pacquiao. Tinutulungan rin nito ang mga Pilipino na laging maging handa na pagtanggolin ang Pilipinas. Kapag puro lamang tayo pagmumuna sa gobyerno at wala tayong balak na ayusin ang mga problema sa konkretong paraan, walang mangyayari sa Pilipinas. 

Dahil sa mga makikinang mga ideyang ni Rizal, naniniwala ako na marami talaga matutunan ang mga estudyante ng mga paaralan. Ang mga kaniyang mga tema hindi literal, kaya ito ay talagang pinag-iisipan at dahil dito, talagang nalalapat sa maraming iba’t ibang situwasyon kahit ngayon. Bilang mga estudyante, ang ating papel sa panlipunan ay para mag-aral at matuto. Ngunit, magiging limitado masyado ang ating mga kaalaman kapag wala tayong bukas-isip. Ito pa ay isang kalamangan na ibinibigay nito sa ating mga estudyante. Kahit pa man marami na sa lipunan ang nag-iba, sa mga Pilipinas pagkatapos ng ilang daang taon, hindi natin masasabi na ang mga ideya ni Rizal ay hindi na magagamit ngayon. Oo, marami nag-iba sa teknolohiya, politika, at kahit ang kalayaan na pinaglalaban niya ay matagal nang andito, ngunit nabubuhay pa rin ang mga aral at ideya ni Rizal. Para sa isang gumagana at maayos na bansa, dapat ay magkakaisa ang lahat ng tao at gobyerno para sa isang layunin. Noong panahon ni Riza, napakalaking problema ang abuso ng gobyerno sa mga Pilipino. Ngayon, kahit hindi masyado halata, meron pa ring pangangabuso ginagawa. Sa sitwasyon natin, dapat natin makita ang katotohanang may korupsyon sa ating sariling mga pinuno. Sa gayon, makikita natin na kahit magkaiba na ang mundo, parehas pa rin ang halaga ng kaniyang mga turo. Dahil ang mga estudyante at kabataan ang kinabukasan ng bayan, malamang ay sila dapat nating ilantad sa katotohanan ng mga lipunan. 

Bukod sa mga tinuturo ni Rizal, si Rizal bilang tao ay pwede ring matutunan ng mga magagandang katangian na magagamit ng kabataan. Ipinakikita niya ang halaga ng pagiging masipag, o ang tinatawagan nating “magis”. Inilalagay niya ang buong puso niya sa lahat ng kaniyang gawain. Kahit ako ay kailangan ng mga aral na ito. Binibigyang-sigla ako ni Rizal sa aking mga gawain sa paaralan at mga leksiyon o aralin. Pwede rin natin sabihing siya ay makatao na naipakita niya sa kaniyang kuwento tungkol sa tsinelas. Bilang mga estudyante, pwede natin sabihin na siya ay isang magandang halimbawa ng isang taong matagumpay sa buhay. 

Dahil sa mga ebidensyang ito, hindi natin masasabi na lumipas na sa panahon si Rizal. Marami pa tayong pwede matutunan sa kaniya bilang ang ating pambansang bayani at hindi natin basta’t bastang tapunin ang mga ito. Sa palagay ko, hindi pa talagang patay si Rizal, dahil si Rizal ay nabubuhay sa bawa’t isa ating mga Pilipino. 

Leave a comment