Double Standard Damaso (Filipino meme)

Posted: August 12, 2012 in Uncategorized

Image

ImageImageAng aking ginawang meme ay ang aking tinatawagang “Double Standard Damaso”. Ang meme na nasa format na ito ay tinatawagang “advice animal”, kung saan may larawan sa gitna, may rainbow format na background at may teksto sa itaas at baba. Karaniwan ay ang mga advice animal ay kumakatawan ng isang estereotipo. Ang aling halimbawa ay si Good Guy Greg, ang isang mabait tao, si Scumbag Steve na masama o bastos, at  iba pa. Ang pangalan nila ay karaniwan ring magkatugma, o parehas ang unang titik sa g-uri sa pangalan. Dahil dito, ang aking meme ay tinawagan kong Double Standard Damaso. Hindi ko ginawang Pilipino ang tawag sa aking advice animal dahil sa ilang dahilan. Una, ang mga meme ay ipinapakita sa isang international na audience. Dahil diyan, hindi ito magiging viral kung hindi maiintindihan ng marami. Pangalawa, para maganda ito pakinggan. Dapat ay dakila ang pakikinig sa pangalan nito at hindi basta’t basta’t makakalimutan. Ginawa ko rin ganito dahil magandang paglalarawan nito sa isang estereotipong “hypocrite”. 

 

Ang aking imahe ay mayroong isang imahe ni Damaso, na nagpupunas ng kaniyang bibig pagkatapos kumain, Ipinapakita nito ang pagiging matakaw niya (dahil sa tabang makikita rin natin). Ipinapahiwatig nito ang mababang pagtingin niya sa kausap niya. Ang mga kulay na inilagay ko ang pula, itim, at kayumanggi. Pula dahil ito ang kulang ng dugo. Itim dahil ito ay ang kulay ng dilim. Ang parehas na ito ay nagpapakita ng kasamaan. Kasamaan sa paraan ng hindi parehong pagtrato sa mga tao sa paligiran. Simple at literal lamang ang aking paggamit ng kulay na kayumanggi – ang kulay ng mga suot ng frayle sa panahon na isinulat ang libro. Medyo tumbalik nga ito sa representasyon ng isang pari na karaniwan ay tumutulong sa kapwa at nagbibigay, hindi kumukuha. 

 

Pinapakita ng aking meme ang representasyon o estereotipong pinapakita ni Padre Damaso sa nobelang Noli Me Tangere. Bilang isang Kastilang frayle ng simbahan, ipinapakita ni Damaso ang pagkiling niya patungo sa mga indio. Sinasabi ko na ito ay double-standard dahil magkaiba ang saloobin niya o tugon sa isang tao base sa pagiging Indiyo o Kastila niya. Puwede rin nating sabihin na siya ay mapagimbabaw sa kaniyang mga sinasabi. Ang mga turo ng Kristyanismo mismo ang hindi niya ginagawa. Sa too lang, may mga ibang mga pagkakataon na tinatanggi niya ang turo ng Diyos. Makikita natin ito sa libro sa iba’t ibang bagay. Makikita naman natin ang pag-aabuso at pagkakabastos niya sa mga taong nakikilala niya, ngunit isa sa mga turo ng Diyos ay mag mahalan. Karaniwan ay hindi natin nakikita ang mahal ni Damaso sa mga kapwa tao. Halimbawa, ang pagpapahukay niya sa tatay ni Crisostomo Ibarra. Hindi ba’t nakakabastos iyan sa mga patay? Ang mismong mayabang na ugali niya rin ay laban sa turo ng Diyos na maging mapagpakumbaba. Isa pang makikita natin na ay ang pagiging bukas-palad sa mga kapwa. Sa panahon nila, puwede natin makita na mayroon siyang maluho na buhay. Meron siyang makakain, mapagtitirhan, at pera galing sa donasyon habang ang marami ay nagdurusa sa kahirapan. 

 

Aalahanin na sa Noli Me Tangere man nanggaling ang taong ito, hindi lamang ginagamit ang Double-Standard Damaso sa mga nangyari sa libro. Puwede rin natin ito gamitin sa mga modernong mga nangyayari sa buhay natin. Hindi ko ginamit si Damaso para maipakita lamang ang ugali niya sa libro, ngunit ginagamit ko siya para magpakita ng isang estereotipo na magagamit sa lahat ng taong may mga sinasabing double standards. Halimbawa, binabawalan ng isang magulang na manood ng TV ang isang bata kapag mayroon pa siyang takdang-aralin, ngunit siya mismo ay nanonood habang may trabaho pa siyang hind natatapos. O kaya, mga mayayabang na tao na nagagalit sa mga taong mga mayabang. Puwede na rin ang mga gobyernong dapat tumulong sa atin mismo ang nagnanakaw sa ating pera. Iyan ang mga iba’t ibang bagay na puwede natin maaaring gamit ng aking advice animal. Ito ay para sa mga araw-araw nating mga sitwasyon sa paaralan, sa trabaho, bilang isang magulang at iba pa. Ganito ito para ay hindi limitado ang paggamit ng meme at maraming tao ang makaka-relate sa mga magagawa nilang gawain. Pinapayagan at hinihimok ko ang lahat na gamitin ang akin meme para sa sariling mga layunin. 

 

Comments
  1. bb. gallenito says:

    MAHUSAY! Napaka-unique ng iyong meme. Kahit na madali itong maunawaan ay nag-iwan ito ng talinghaga dahilan upang lalaong mag-isip ang mga makakakita nito. Iupload ito sa mga sites! Pihado kong papatok ito!:)

Leave a comment