Archive for the ‘Uncategorized’ Category

Pagtatalakay ng El Fili

Posted: October 1, 2013 in Uncategorized

Ang El Filibusterismo ay isang nobelang ginawa ng ating sariling bayaning si Jose Rizal. Noong panahon ng mga Kastila, napakaraming pangangabuso ang nangyayari sa lipunan. Dahil dito, naging nais niyang isulat ang mga ito sa pamaraan ng isang nobela. Gamit ang librong ito, iminulat niya ang lahat ng kaniyang isipan patungo sa mga Kastila. Sa El Filibusterismo, ipinakita ang tauhang si Simoun bilang isang Pilipinong lumalaban para sa kaniyang paghihiganti para sa kaniyang bansa.

Inaamin ko na napakahirap basahin nang librong ito, lalo na’t kapag hindi sanay sa mga malalalim na salitang Pilipino. Ang bawa’t pahina at bawa’t kabanata ay napakahaba rin at puno ng nilalaman. Ganiyan pa man, makikita natin na napakaraming isyu at dinaanan ng libro at ipinakita. Bilang isang “pambansang kayamanan”, ito ay isang kailangang basahin. Hindi lamang ito  binabasa para sa pagsayang ng oras, ngunit binabasa rin ito para sa pagkakaunawa ng kasaysayan natin. Ito ay nagpapakita, at hindi lamang nagsasabi, ng mga pangyayari sa lipunan. Makikita rito ang mga hirap na pinagdaraanan ng mga tao sa pamamagitan ng mga tauhang gaya ni Simoun, Kabesang Tales, Basilio, Juli, at iba pa.

Rinerekomenda ko ito sa bawa’t Pilipinong nasa mataas na paaralan na marunong magsulat at magbasa. Nakakalalim ito ng pang-unawa sa nangyari sa sariling bansa. Bukod dito, nakakalalim din ito ng iyong kasanayan sa wika at dahil dito ay siguradong marami ang pakinabang na maidudulot sa nobelang ito. Sigurado ring maraming matututong maipagmalaki ang sariling bayan pagkatapos magbasa nito.

Sarili
Sa unang sampung kabanata pa lamang ay nakikita na natin ang iba’t ibang nangyari sa Pilipinas noong panahon ng Kastila. Sa pagkakabasa ko ng libro ay nakita ko ang iba’t mga realisasyon tungkol sa ating kultura. Una, nakita ko kung gaano ako kaswerte na hindi ako nabubuhay sa mga mahihirap na panahon gaya nang pinagdaanan ng mga Pilipino dati. Ako ay nabubuhay nang may edukasyon, pagkain, at iba pa. Pag ikukumpara ito sa dati, napakalaki ng pinagbago sa loob ng ilang daang taon. Natuto akong magpasalamat sa mga biyayang binigay sa akin. Natuto rin akong maging apresyatibo sa aking kultura na nakita ko na nagbago sa panahon. Napakaraming pinagdaanan ng bayan na ito at nakikita ko na talagang napakalaki ng pagkakaiba nito, di gaya ng dati.

Lipunan
Sa El Fili, talagang nakikita natin ang iba’t ibang pangangabuso at problema na hinaharap ng bawa’t Pilipino. Ang sarili nilang lipunan ang nagbibigay sa kanila ng problema. Nakita natin ang opresyon na ginawa nila kahit sa mga taong nananahimik kagaya ni Kabesang Tales. Nakita natin kung paano inimpluensiyahan ng Simbahan at prayle ang mga Pilipino.  Ang mga ito ay kung titignan natin ngayon ay maling mali sa modernong pinapaniwalaan natin. Makikita natin na ang simbahan mismo ang tumutulong sa mga Kastila para gumawa ng pangangabuso sa atin (kagaya nang korporasyon na kumuha ng lupa ni Tales). Napakalaki ng hindi pagkakapantay ng mga Kastila sa Pilipino at ito ay isang malaking isyu na naipakita sa El Fili.

Bansa
Sa tingin ko ay malaki ang relasyon ng nangyayari sa Pilipinas sa nangyayari sa lipunan. Dahil wala masyado lumalaban sa mga Kastila, lalong walang nararating ang gobyerno. Makikita natin ang mga simbolo sa unang Kabanata tungkol sa Bapor Tabo. Ipinakita dito na paikot-ikot ang gobyerno at walang layunin ito. Ipinakita rin dito ang isyu na talagang mas mataas ang mga Kastila sa mga Pilipino, kahit kung tutuusin ay talagang kaya naman natin silang labanan. Sinabi dito na kahit ang mga Kastila ang nasisiyahan, ang mga Pilipino naman ang gumagawa ng trabaho at napakadaya nito para sa kababayan natin. Ang resulto ng iba’t ibang mga problemang ito ay ang hindi pag-uunlad ng ating bansa.

Filipino — Stereotipo sa Lipunan

Posted: November 21, 2012 in Uncategorized

Sa kasulukuyang lipunan, makikita natin na marami talagang mga stereotipong mga tingin sa iba’t ibang tao. Lalo na sa mga  kadalasang kaisipan tungkol sa mga lalaki at babae, makikita natin na talagang may pagkakaiba sa pagtingin ng mga tao patungo sa mga tao. 

 

Sa tatlong teksto na binasa natin, nakikita talaga natin ang isyu na ito. Hindi natin masasabi na hindi ito katotohanan dahil kitang kita na ang problemang ito sa lipunan natin. Kahit sa kuwento pa man ni Gloc-9 o ang Hardin, makikita natin ang kahirapan ng mga taong tinitignan ng lipunan ng ganito. Problema ito dahil imbis na nagtutulungan tayo, tayu-tayo pa mismo ang nagpapahirap sa ating sarili. 

 

Sa tingin ko, dapat ay parehas lamang ang pagtingin natin sa isa’t isa. Kahit iba iba pa man ang pinapaniwalaan natin, dapat ay marunong tayo rumespeto sa iba. 

Image

ImageImageAng aking ginawang meme ay ang aking tinatawagang “Double Standard Damaso”. Ang meme na nasa format na ito ay tinatawagang “advice animal”, kung saan may larawan sa gitna, may rainbow format na background at may teksto sa itaas at baba. Karaniwan ay ang mga advice animal ay kumakatawan ng isang estereotipo. Ang aling halimbawa ay si Good Guy Greg, ang isang mabait tao, si Scumbag Steve na masama o bastos, at  iba pa. Ang pangalan nila ay karaniwan ring magkatugma, o parehas ang unang titik sa g-uri sa pangalan. Dahil dito, ang aking meme ay tinawagan kong Double Standard Damaso. Hindi ko ginawang Pilipino ang tawag sa aking advice animal dahil sa ilang dahilan. Una, ang mga meme ay ipinapakita sa isang international na audience. Dahil diyan, hindi ito magiging viral kung hindi maiintindihan ng marami. Pangalawa, para maganda ito pakinggan. Dapat ay dakila ang pakikinig sa pangalan nito at hindi basta’t basta’t makakalimutan. Ginawa ko rin ganito dahil magandang paglalarawan nito sa isang estereotipong “hypocrite”. 

 

Ang aking imahe ay mayroong isang imahe ni Damaso, na nagpupunas ng kaniyang bibig pagkatapos kumain, Ipinapakita nito ang pagiging matakaw niya (dahil sa tabang makikita rin natin). Ipinapahiwatig nito ang mababang pagtingin niya sa kausap niya. Ang mga kulay na inilagay ko ang pula, itim, at kayumanggi. Pula dahil ito ang kulang ng dugo. Itim dahil ito ay ang kulay ng dilim. Ang parehas na ito ay nagpapakita ng kasamaan. Kasamaan sa paraan ng hindi parehong pagtrato sa mga tao sa paligiran. Simple at literal lamang ang aking paggamit ng kulay na kayumanggi – ang kulay ng mga suot ng frayle sa panahon na isinulat ang libro. Medyo tumbalik nga ito sa representasyon ng isang pari na karaniwan ay tumutulong sa kapwa at nagbibigay, hindi kumukuha. 

 

Pinapakita ng aking meme ang representasyon o estereotipong pinapakita ni Padre Damaso sa nobelang Noli Me Tangere. Bilang isang Kastilang frayle ng simbahan, ipinapakita ni Damaso ang pagkiling niya patungo sa mga indio. Sinasabi ko na ito ay double-standard dahil magkaiba ang saloobin niya o tugon sa isang tao base sa pagiging Indiyo o Kastila niya. Puwede rin nating sabihin na siya ay mapagimbabaw sa kaniyang mga sinasabi. Ang mga turo ng Kristyanismo mismo ang hindi niya ginagawa. Sa too lang, may mga ibang mga pagkakataon na tinatanggi niya ang turo ng Diyos. Makikita natin ito sa libro sa iba’t ibang bagay. Makikita naman natin ang pag-aabuso at pagkakabastos niya sa mga taong nakikilala niya, ngunit isa sa mga turo ng Diyos ay mag mahalan. Karaniwan ay hindi natin nakikita ang mahal ni Damaso sa mga kapwa tao. Halimbawa, ang pagpapahukay niya sa tatay ni Crisostomo Ibarra. Hindi ba’t nakakabastos iyan sa mga patay? Ang mismong mayabang na ugali niya rin ay laban sa turo ng Diyos na maging mapagpakumbaba. Isa pang makikita natin na ay ang pagiging bukas-palad sa mga kapwa. Sa panahon nila, puwede natin makita na mayroon siyang maluho na buhay. Meron siyang makakain, mapagtitirhan, at pera galing sa donasyon habang ang marami ay nagdurusa sa kahirapan. 

 

Aalahanin na sa Noli Me Tangere man nanggaling ang taong ito, hindi lamang ginagamit ang Double-Standard Damaso sa mga nangyari sa libro. Puwede rin natin ito gamitin sa mga modernong mga nangyayari sa buhay natin. Hindi ko ginamit si Damaso para maipakita lamang ang ugali niya sa libro, ngunit ginagamit ko siya para magpakita ng isang estereotipo na magagamit sa lahat ng taong may mga sinasabing double standards. Halimbawa, binabawalan ng isang magulang na manood ng TV ang isang bata kapag mayroon pa siyang takdang-aralin, ngunit siya mismo ay nanonood habang may trabaho pa siyang hind natatapos. O kaya, mga mayayabang na tao na nagagalit sa mga taong mga mayabang. Puwede na rin ang mga gobyernong dapat tumulong sa atin mismo ang nagnanakaw sa ating pera. Iyan ang mga iba’t ibang bagay na puwede natin maaaring gamit ng aking advice animal. Ito ay para sa mga araw-araw nating mga sitwasyon sa paaralan, sa trabaho, bilang isang magulang at iba pa. Ganito ito para ay hindi limitado ang paggamit ng meme at maraming tao ang makaka-relate sa mga magagawa nilang gawain. Pinapayagan at hinihimok ko ang lahat na gamitin ang akin meme para sa sariling mga layunin. 

 

Modernong Rizal

Posted: July 22, 2012 in Uncategorized

 

 

Image

Si Jose Rizal, ang ating pambansang bayani, ay karaniwang kinikilala bilang isang magaling na manggagamot at manunulat. Nang ipag-sama ang kaniyang katalinuhan sa ibang klaseng husay na pagsusulat, nakagawa siya ng maraming iba’t ibang obra maestra na kinikilala ng mga tao – gaya nang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na tinuturo sa bawa’t paaralan sa Pilipinas. Pero una, dapat natin aalahanin na ang mga akda niya ay kapansin-pansin hindi dahil sa kanilang literal na kuwento, ngunit dahil sa kanilang ibig-sabihin at mensahe. Dahil sa mga pag-aabuso at pagkaapi noong panahon ng mga Kastila, napilitan si Rizal na buksan ang mata ng mga Pilipino. Walang duda na siya ay isang tao na makatwiran; marunong mag-isip bago gumawa ng isang bagay. Ibinigay niya ang kaniyang mga isip sa isang hindi malupit na paraan. Hindi man nakikipag-away, ipinakita pa rin niya ang iba’t ibang mensahe sa Pilipino.  Maraming sa mga mensaheng at temang mga ito ay unibersal at puwede pang gamitin kahit sa kasulukuyang lipunan. 

Makikita natin na marami sa kaniyang mga mensahe ay karaniwang resulta ng pagnanais niyang tulungan ang mga Pilipino sa ilalim ng mga Kastila. Gayon pa man, ang bawa’t libro niya ay may ibang mensahe na binibigyan ng pokus. Halimbawa, ang kaunahang ideya ng El Filibusterismo ay ang paggamit ng mapayapang paraan sa ating mga layunin. Sa maikling salita, hindi sagot sa problema ang pagiging matindi o malupit. Mas lalo lang lumalala ang problema sa ganitong paraan. Kahit sa modernong panlipunan ay makikita natin ito. May dahilan kung bakit ang EDSA o “People’s Power” ay matagumpay. Dahil sa kanilang paraan ng protesta, nagkaroon sila ng maraming suporta at sa huli, nakuha nila ang kapayapaang hinahanga nila. Isa pang halimbawa sa halimbawa na nangyayari hanggang ngayon ay ang gera sa Afghahistan at Iraq. Pinipilit ng Amerika na magkaroon ng gera embes na makipag-usap sa madaling paraan. Dahil dito, maraming sundalo at inosenteng pamilya ang nadadamay.

Bukod sa El Filibusterismo, ang isa pang napasikat na nobela ay ang Noli Me Tangere. Ang mensahe ng ito ay higit na may sinasabi tungkol sa mga paksang politiko. Ito ay makikita sa maraming elemento ng kuwento rito. Marami sa mga katauhan rito ay representasyon o simbolismo ng mga nangyayari sa dating panahon. Ang sitwasyon din ng Pilipinas ay makikta natin galing sa mata ng isang  karaniwang Pilipino roon. Halimbawa, sa mga unang bahagi ng kuwento, makikilala natin si Padre Damasong nagsisimbolo sa Simbahan. Sa isang taong ito, makikita rin natin ang pagkaugali ng Simbahan patungo sa mga Pilipino – ang ugaling pabalatkayo. Nagtuturo sila ng mga “tamang” gawin dahil ito ay sinabi ng Diyos, ngunit siya mismo ang gumagawa ng kabaliktaran. Gusto nila, sila lagi ang tama at ang kaaway nila, o mga Indiyo, ang mga mali. Ipinakita rin nito na kapag ang Simbahan o kahit ano pa mang relihiyon ay masiyado binibigyan ng kapangyarihan, minsan ay nadadamay ang mga desisyon ng estado o pahamalaan. Bukod rin sa mga Kastila, ipinapakita rin ni Rizal sa nobela na pati ang Pilipino ay kailangang ibahin ang kanilang ugali. Hinihingi ni Rizal dito na tumaas ang mga pagtingin ng mga Pilipino sa kanilang mga sarili, at sa kanilang bansa. Tinuturo ni Rizal ang halaga ng nasyonalismo at pagkakapantay-pantay sa mga Kastila. Medyo halata naman na hanggang ngayon, ay importante ang nasyonalismo sa atin. Kitang-kita natin ang pagkakaisa ng mga Pilipino sa mga pangyayaring kinakailangan nito. Alam naman nating lahat ang pagkatuwa ng Pilipinas bawa’t panalo ni Manny Pacquiao. Tinutulungan rin nito ang mga Pilipino na laging maging handa na pagtanggolin ang Pilipinas. Kapag puro lamang tayo pagmumuna sa gobyerno at wala tayong balak na ayusin ang mga problema sa konkretong paraan, walang mangyayari sa Pilipinas. 

Dahil sa mga makikinang mga ideyang ni Rizal, naniniwala ako na marami talaga matutunan ang mga estudyante ng mga paaralan. Ang mga kaniyang mga tema hindi literal, kaya ito ay talagang pinag-iisipan at dahil dito, talagang nalalapat sa maraming iba’t ibang situwasyon kahit ngayon. Bilang mga estudyante, ang ating papel sa panlipunan ay para mag-aral at matuto. Ngunit, magiging limitado masyado ang ating mga kaalaman kapag wala tayong bukas-isip. Ito pa ay isang kalamangan na ibinibigay nito sa ating mga estudyante. Kahit pa man marami na sa lipunan ang nag-iba, sa mga Pilipinas pagkatapos ng ilang daang taon, hindi natin masasabi na ang mga ideya ni Rizal ay hindi na magagamit ngayon. Oo, marami nag-iba sa teknolohiya, politika, at kahit ang kalayaan na pinaglalaban niya ay matagal nang andito, ngunit nabubuhay pa rin ang mga aral at ideya ni Rizal. Para sa isang gumagana at maayos na bansa, dapat ay magkakaisa ang lahat ng tao at gobyerno para sa isang layunin. Noong panahon ni Riza, napakalaking problema ang abuso ng gobyerno sa mga Pilipino. Ngayon, kahit hindi masyado halata, meron pa ring pangangabuso ginagawa. Sa sitwasyon natin, dapat natin makita ang katotohanang may korupsyon sa ating sariling mga pinuno. Sa gayon, makikita natin na kahit magkaiba na ang mundo, parehas pa rin ang halaga ng kaniyang mga turo. Dahil ang mga estudyante at kabataan ang kinabukasan ng bayan, malamang ay sila dapat nating ilantad sa katotohanan ng mga lipunan. 

Bukod sa mga tinuturo ni Rizal, si Rizal bilang tao ay pwede ring matutunan ng mga magagandang katangian na magagamit ng kabataan. Ipinakikita niya ang halaga ng pagiging masipag, o ang tinatawagan nating “magis”. Inilalagay niya ang buong puso niya sa lahat ng kaniyang gawain. Kahit ako ay kailangan ng mga aral na ito. Binibigyang-sigla ako ni Rizal sa aking mga gawain sa paaralan at mga leksiyon o aralin. Pwede rin natin sabihing siya ay makatao na naipakita niya sa kaniyang kuwento tungkol sa tsinelas. Bilang mga estudyante, pwede natin sabihin na siya ay isang magandang halimbawa ng isang taong matagumpay sa buhay. 

Dahil sa mga ebidensyang ito, hindi natin masasabi na lumipas na sa panahon si Rizal. Marami pa tayong pwede matutunan sa kaniya bilang ang ating pambansang bayani at hindi natin basta’t bastang tapunin ang mga ito. Sa palagay ko, hindi pa talagang patay si Rizal, dahil si Rizal ay nabubuhay sa bawa’t isa ating mga Pilipino. 

EED [Filipino]

Posted: July 9, 2012 in Uncategorized

Mahigit sampung taon na ang nakalipas noon sa mga taon na nasa EED pa lamang ako. Kakaunti na lang ang aking naaalala tungkol sa aking pag-aaral noon. Ngunit naaalala ko ang aking araw-araw na ginagawa dati. Isang maliit na folder na nasa loob ang lahat ng kailangan ay ang lamang dinadala. Ang aking seksiyon noon ay 6, at ito ay dahil ako ay nasa klase sa hapon. Natatandaan ko ang aming palaruan doon na nasa gitna ng lugar at ang aming lumang LRC. Marami kami inaaral ngunit kakaunti lang ang pagod noon.

Luceat Lux!

Posted: October 24, 2011 in Uncategorized

Baka narinig mo na nakahiga sa salapi lamang ang mga taga-Xavier.

Hindi totoo iyan, kaisipang mababaw lamang ito.

Sila ay mga maamong mga kordero na may makakapal na palad sa kanilang pag-aaral. Hindi rin dapat kalimutan na sila ay bukas palad sa lahat nang gawain nila.

Talagang nakatatak sa utak si St. Ignatius sa bawa’t aksyon. Nakatali ang mga puso sa isa’t isa bilang isang pamilya.

Para sa lahat ng tinuro nito sa akin, nasa paaralang Xavier ang aking utang na loob.

Tunay na Xaverian, pagningningin ang iyong liwanag! 

Peer Editing (Joshua Soon)

Posted: October 13, 2011 in Uncategorized

Ang bagyong Ondoy at ang Pedring ay ang dalawang pinakamalakas na bagyo na naranasan ng buong Pilipinas. Parehong bumaha ang mga lugar sa buong Pilipinas at maraming tao ay nagdusa dahil dito.

Ang Pedring ay kalalayas pa lang sa Pilipinas pero ang Ondoy ay matagal nang umalis. Kahit umalis na sila, nakikita pa rin ang mga epekto na dinulot ng bagyo. Maraming masama na epekto nga ang nadulot gaya ng mga pamilya na nasira, mga bahay na nagiba at mga sira na kalsada. Kahit masamang pangyayari ito, may nadudulot na mga magandang asal tayong nakukuha dito. Nakita natin na naging mas malapit ang mga pilipino, nagkakaroon tayo ng kapatiran sa isa’t isa.

Ang Ondoy ay ang pinakamasamang bagyo na naranasan ng pilipinas dahil tumaas nang sobra-sobra ang tubig. Umabot nang 2nd floor ng mga bahay ng ibang tao. Maraming namatay dahil nalunod sila sa bagyo. Ang Pedring naman ay malakas ang hangin pero di gaya sa Ondoy sa dami ng ulan. Sa mga naniniwala na Pedring ang mas maraming tubig, ito ang patunay kung bakit Ondoy ang mas malakas. Ang Pedring ay nagdulot ng 15-25mm ng tubig pero ang Ondoy ay nakakuha ng 341.3m sa anim na oras lang.

Ang dalawang bagyo ay tunay na nagdulot ng malalaking sira sa buong bayan natin pero tayo ay Pilipino at dapat kaya natin matutunan ito at tumalino pa.

 

Huwag dudugtungin ang mga hindi dapat.

Gawing kapital ang mga pangalan.

Ondoy vs. Pedring

Posted: September 28, 2011 in Uncategorized

troll

Ang Ondoy at ang Pedring ay dalawang resenteng bagyo na tumama sa Pilipinas. Hindi ko na kailangang sabihin na napakalaki ang kanilang nagawa sa ating bansa. Ibang-iba ang dalawa sa maraming paraan, ngunit parehas lang silang gumawa ng malaking epekto sa ating lahat.

Silang dalawa ay parehas na malakas – sa hangin at ulan. Ngunit, maaari nating sabihin na ang Ondoy ay nagdala ng mas maraming ulan kumpara sa Pedring. Ebidensya nito? Ang dami ng tubig na binaha nito ay kasing-dami ng isang buwang ulan. Nalunod ang maraming bahay sa dami ng tubig. Ganiyan pa man, meron ring nadalang destrukston ang bagyong Pedring. Isa dito ay higit na mas malakas ang hangin na naranasan ng mga tao noong ito’y tumama. Ang mga Puno ay nagbagsakan at ang kuryente ay nawala sa buong Metro Manila. Higit na mas maraming nabawian ng buhay sa galit ng Ondoy. Isang dahilan nito ay dahil higit na mas matagal naranasan ang epekto nito kumpara sa Pedring (Isang buwang epekto kumpara sa tatlong araw).

Parehong nawalan ng kuryente at nasuspendido ang klase sa okasyong ito. Masasabi natin na kahit ganoon pang moderno ang teknolohiya ngayon, dapat pa ring mag-ingat. Bulnerabol pa rin tayo sa mga pinsala na kalikasan.

lolol

Source:
http://pagasa.dost.gov.ph
http://wikipedia.org

Ang talento ay nagpapanalo ng mga laro. Ngunit, ang tiyaga at pagtulungan lamang ang magpapakampeon sa iyo. Ito ay isang sabihan ng aking idol – si Michael Jordan. Alam ninyo, ang kahit anong talento ay walang nadudulot kapag ang tao ay isang tamad. Lahat ng bagay na hinihiling natin ay kailangan ipagtrabahuhan. Ganyan talaga ang buhay.

Sa totoo lang, hindi ako ipinanganak na magaling magbasketbol. Noong nasa mababang paaralan pa ako, araw-araw akong naglalaro ng basketbol kasama ng aking kaibigan. Kami’y laging naglalaro tuwing pagtatapos ng klase at nakikipaghamon sa ibang grupo.

Ito nga lang – lagi rin kami natatalo. Bihirang bihira lang kami nananalo. Alam mo kung bakit? Hindi ito dahil hindi kami magaling, lagi nga kami nakakapag-tres sa practice eh. Ito ay dahil makasarili kaming lahat. Kung kanino ang bola, siya ang susugod; siya ang tatapon. Siya rin ang hindi makakatama.

Alam niyo kasi, hindi kami pumapasa ng bola. Hindi ako sigurado kung bakit sa totoo lang, pero sa tingin ko, ito ay dahil makasarili kami sa sinasabing bragging rights. Sanay kami sa pagyayabang ng ibang taong nagpapadala ng kanilang grupo sa pagpapanalo. Ngunit ganoon pa man, ang basketbol ay isang pangkatang laro kahit ano ang sabihin mo. Wala namang pangkat na isang manlalaro lang, di ba?

Patuloy sa kuwento. Lagi talaga kaming natatalo, at noong ubod ng inis na kami sa dami ng larong natalo, nagsalita ang kagrupo namin. Sabi niya, hindi niya maintindihan bakit ang bwakaw namin. Bakit nga ba hindi na lang kami magtulungan? Kami ay isang team, panalo man o talo. Kaya bakit hindi na lang namin pagsamahan ang pagpanalo, isama ang saya, at maglaro bilang isa? Oo nga naman, sabi ng aking ibang kaibigan. Nakipagsang-ayon kami sa sinasabi niya – at mula noon, naintindihan na namin ang aming pagkakamali.

Kaunti-unti, binawasan na namin ang aming ensayo sa indibidwal, at dinamihan ang mga ensayong nagpapalakas ng teamwork. Pero sasabihin ko sa iyo, mas madali itong sabihin kaysa sa gawin mismo. Kung sa tingin mo na napaka-simple lang nito, napakalaki ng pagkakamali mo. Para sa maayos na perspektibo, isipin mo na mayroon limang tao sa isang kotse, at lima rin ang nakahawak steering wheel. May kalsadang papunta sa kaliwa, at mayroon rin sa kanan. Bawal rin kayo makipag-usap sa isa’t isa. Para sa marami sa atin, bungguan ang mangyayari diyan.

Halos ganoon rin ang ensayo namin. Mahirap makuha ang galing na hinahanap namin sa isa’t isa. Minsan rin, nagkakamali ang isa – magkakamali ang lahat. Dahil dito, krusyal na sabay sabay ang bawa’t aksyon at galaw – maglaro bilang isa. Malaking tiyaga at oras ang binigay namin para sa ito. Araw-araw, linggo-linggo, buwan-buwan ang pagpapatuloy ng aming mga ensayo.

Pagkatapos ng matagal na oras, napansin namin na bigla na lang kami nananalo ng mga laro. Gumagaling ang bawa’t isa sa amin! Nalaman na rin namin na sumisikat na kami bilang magaling na taga-basketbol! Ngunit, hindi kami titigil diyan, patuloy pa kami sa ensayo dahil kailangan pa namin gumaling ng hangga’t kaya namin, at diyan nagsimula ang aking paglalakbay patungo sa pagiging isang totoong manlalaro ng basketbol.

Mga Imahe galing sa:

http://www.soleredemption.com/pics/2006/04/jordan-michael-3.jpg